Brgy. Balasing, Santa Maria, tampok bilang National Showcase Barangay ng Kalinisan Program!
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 9318

Sa patuloy na pagtataguyod ng kaligtasang pangkalusugan at kalinisan sa mga komunidad, namayani ang pagkakaisa ng mga ahensya, pamahalaang lokal, at mga residente ng nasabing barangay ngayong araw, ika-13 ng Hulyo, 2024 sa isinagawang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas program, kung saan ay itinampok ang Brgy. Balasing, Bayan ng Santa Maria bilang national showcase barangay mula sa lalawigan.