×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Noong ika-5 ng Agosto 2022 ay nagsagawa ng oryentasyon ang Lalawigan ng Bulacan sa mga Boy/Girl Officials sa tulong Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Sa nasabing oryentasyon ay tinalakay ni LGOO V Jhea M. Gregorio ng DILG Bulacan ang paksang local governance gayundin ang iba't ibang gawain at responsibilidad ng mga pambansang ahensya at sangay ng gobyerno na mayroon sa Lalawigan. Ito ay isinagawa upang ihanda ang mga Boy/Girl Officials sa kanilang mga gagampanang tungkulin bilang counterpart ng mga lokal na inihalal at inappoint na mga opisyal, gayundin bilang mga pinuno ng mga pambansang ahensya at sangay ng gobyerno na mayroon sa Lalawigan.

 Matapos ang oryentasyon ay nagkaroon naman ng halalan ang mga Boy/Girl Officials upang tukuyin ang magiging counterpart ng mga local elected officials sa lalawigan. Pinamunuan ng mga representante ng COMELEC ang eleksyon at pinangalawahan ito ng DILG. Miyembro rin ng Komite ng eleksyon and mga representante mula sa Kagawaran ng Edukasyon.

Ang mga nasabing aktibidad ay isinasagawa kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan alinsunod sa isinasaad ng Chapter VI ng RA 10742 or SK Reform Act of 2015. Ito ay upang imulat ang mga kabataan sa mga gawaing ginagampanan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan at pambansang ahensya ng gobyerno sa loob ng limang araw ng kanilang panunungkulan bilang counterpart ng mga nabanggit na opisyal.