Aktibong nakilahok ang DILG Bataan Locally-funded Projects (LFP) Team sa "Joint Validation of Proposed Farm-to-Market Road (FMR) Projects" na pinangunahan ng Kagawarang ng Agrikultura Rehiyon 3 at sa pakikipagtulungan ng DILG Rehiyon 3, MLGOOs, mga lokal na opisyal, Kapulisan at Office of Provincial and Municipal Agriculturists sa mga barangay ng Mabiga sa Hermosa, Luacan, San Jose at Tubo-Tubo sa Dinalupihan at Bayan at Balut sa Orani noong ika-9 at ika-10 ng Agosto, 2022, ayon sa pagkakabanggit.
Matagumpay na naisagawa ng grupo ang geotagging at pagsukat sa panukalang pook, pagbaybay sa isang kilometrong lakarin, pagsusuri kung may mga lugar ng produksyong pang-agrikultura at pakikipanayam sa Punong Barangay para sa kinakailangang karagdagang impormasyon.
Ang FMR Development Program Validation ay isang paghahanda para sa mga proyekto sa darating na panahon. Layunin nito na mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng mga lugar ng produksyon at pamilihan upang mapaunlad ang kahusayan sa mga produktong pang-agrikultura.
Ang grupo ng DA-DILG-LGU ay nakatalaga sa pagdaraos ng balidasyon sa mga piling barangay sa mga bayan ng Samal, Orion, Mariveles, Pilar, Lungsod ng Balanga at Morong sa mga natitirang araw sa buwan ng Agosto.