Ang pamunuan ng Ehekutibo at Lehislatibo, sa pangunguna nina Kagalang-galang Irenea Maniquiz-Binan at Kagalang-galang Joan D. Ballesteros, Alkalde at Bise-Alkalde ng Bayan ng Iba kasama ang lahat ng miyembro ng Sanggunian at pinuno ng bawat departamento, ay magkakatuwang na nagbalangkas ng kanilang "Executive and Legislative Agenda" noong Agosto 1-4, 2022 na ginanap sa Prime Asia Hotel, Angeles City.
Ilan sa mga prayoridad na programa na nailahad ay ang mga sumusunod: Institutionalization of Senior Citizens' Social Pension Program, Rice Subsidy to all households during lean months, Establishment of Palay Procurement Program, Establishment of Palay Procurement Program, Expanded educational assistance to Senior High Schools and College Students, Sustainable Livelihood Development Program, Pagpasa at Pagpapaigting ng Public Order and Safety Code, Environment Code, Tourism Code, Transparency Mechanism Ordinance or Freedom of Information Ordinance, Ease of doing business mechanism Ordinance at pag amyenda ng Investment and Incentive Code, Investment and Incentive Code at Iba Market Code.
Sa kanyang mensahe, inilahad ni Alkalde Binan na ang pamunuan ng Bayan ng Iba ay isang malaking pamilya na ang kagustuhan ay mabigyan ng mas magandang pamumuhay ang kanyang nasasakupan.
Inihayag naman ni Bise Alkalde Ballesteros ang suporta ng Sanggunian sa lahat ng programa ng Alkalde.
Samantala, ang mga kalahok sa aktibidades ay nag grupo-grupo sang-ayon sa kinabibilangan nilang sektor kung saan bawat isa ay nagpakita ng kooperasyon at masusing nagbigay ng ideya upang maisagawa ang proseso ng pagbalangkas ng ELA-CapDev Agenda.
Nagbahagi ng mensahe at maiksing presentasyon si Direktor Martin Porres B. Moral kung saan ay kanyang binigyang diin na ang mga nahalal na mga pinuno at Miyembro ng Sanggunian gayundin ang mga lider ng bawat departamento ng Bayan ng Iba ay naitalaga at mayroong malaking tungkulin na dapat gampanin upang mas mapaunlad at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan ng Iba.
Sina LGOOs VI Cindy C. Cagalitan, Kristine Joy B. Pesimo, Nedricks P. Canlas at LGOO II Rose Ann D. Agostosa ay nagsilbing Resource Speakers samantalang nagsilbing facilitator si OIC-MLGOO Stephany A. Panaligan sa naturang aktibidades..
Ang Executive and Legislative Agenda ay isang dokumento kaayon sa termino ng nahalal na opisyales kung saan ito ay binabalangkas ayon sa napagkasunduan ng Ehekutibo at Lehislatibo ng isang Bayan.