×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Noong ika-5 ng Agosto, 2020, sa pamumuno ng Validation Team mula sa DILG Rehiyon 3, matagumpay na naisagawa ang on-site validation at pre-assessment para sa Pagsusuri ng Panksyonalidad ng mga Panlalawigang Kawnsil para sa Pangkalinga ng mga Bata (LCPC) para sa taong 2022, sa Governor's Conference Room, Provincial Capitol, Baler, Aurora.

Tinipon ang buong council ng PCPC sa Lalawigan sa pamumuno ni Panlalawigang Tagapamuno, Arnold Novicio kasama sina Bokal Annabelle Tangson-Te at iba pang kinatawan ng mga opisina upang matunghayan ang table validation at pre-assessment. Ang mga karampatang dokumento bilang beripiksayon at patunay para sa gagawing pagsusuri ay ipinresenta ni PSWDO Abigaiel Paulino, ni PCPC Focal Person, Ms. Charlene Jane Cuaresma, at ng iba pang mga PSWDO personnel.

Ang pagsusuri ng LCPC ay naka angkla sa mga indikasyon na itinakda ng DILG MC Blg. 2021-039 na nakatutok sa mga susumunod na area:

1. Organizational Sustainability
2. Policies and Plans for Children
3. Budget for the PCPC
4. Service Delivery and Monitoring Management for Children

Pagkatapos ng pagsusuri ng mga ipinresentang dokumento, sa pamumumo ni LGOO V Cherina Quiñones, ay inilatag ang hindi opisyal na puntos ng LCPC Functionality sa Lalawigan ng Aurora. Ang Lalawigan ay nakakuha ng status na PROGRESSIVE matapos ang masuring pagtutuos.

Nagbigay rin ang Validation Team ng isang linggong palawig sa PSWDO upang maisumite ang mga karampatang dokumento na kinakailangan pa sa pangwakas na assessment na isasagawa ng Regional Agency Monitoring Task Force.

Kasama sa isinagawang pagsusuri sina LGOO IV Rainier Collado, IO II Emmanuel P. Apron, FA II Mhey Kristel R. Tanhueco, at mga kinatawan ng DILG Aurora na sina: LGOO VI Mary Joyce T. Bautista and ADA IV Gerald Philip DC. Esteves